Vintage Tumblr Themes

Bakit nga ba 220V ang gamit dito sa Pilipinas imbis na 110V?

Tutal maraming na-curios kung bakit 220V ang ginagamit na boltahe ng Pilipinas, ipopost ko na rin. :)

Voltage - Boltahe

Current - Kuryente

Ganito kasi yan, mahirap ang Pilipinas yan ang simpleng sagot. Mahaba kasi ang proseso bago umabot sa atin ang boltahe na 220V sa ating mga bahay. Maraming pagsalin salin ng mga boltahe at kuryente. Galing sa mga producers ng kuryente, na nagge-generate ng halos 20,000V eh gumagamit sila transformer para mapababa at mapataas ang boltahe hanggang sa mapunta na sa meralco. Oo napapababa o napapataas ang boltahe o kuryente gamit ang transformer pero parehas parin ang power na binibigay nito (Power = Voltage X Current) dahil sa principle na ito, kung patataasin ang voltage liliit ang current, at kung maliit ang current liliit din ang mga wires na gagamitin, mas maliit na area ng wire mas mura ang wire na bibilhin.

Kaya kung mapapansin mo, mas mataba ang wire na gamit ng mga appliances na may 110V kaysa sa 220V na appliances.

Sana naintindihan niyo ang explanation ko. HAHA!

(Source: madramanglalaki)

Jan 05. 46 Notes.

Notes

  1. pahinginglovelife said: Ano daw yun? Pakiulit nga. HAHAHAHA Dejoke lang.
  2. piiiyuuuessseich said: ok gets. hahaha! badtrip. parang kung i-aapply ang eco e mas mapapamahal tayo in the long run kesa mag-invest sa malalaking wires.
  3. tapestry0fgrace said: PUSANGGALA WALA AKONG NAGETZ. Basta ang alam ko lang wag isasaksak sa 220 ang 120. Wahahahahahahaha
  4. ampulesandvials said: ay gets ko na pala Igi hahah
  5. boybasic posted this